Thursday, September 17, 2009

byaheng Bacolor,



pinuntahan ko ang bayan ng Bacolor, kung saan may bukas pa.
at ako'y napadpad sa simbahan ng San Guillermo.





yung dating (12) labing dalawang metros na simbahan ay
nalibing ang kalahati sa lahar noong ang Mt. Pinatubo ay sumabog in early 1990's





kaya ngayon, eto ang tumambad sa akin pagkapasok ko sa simbahang ito.





tignan mo yung arca sa bandang kiliran, noon ay dating daanan pero ngayon eh pantay na
sa luhuran ng simbahan.





at dahil sa walang himpis na ulan, yung baha
ay pumasok sa parang animoy
mini pond sa loob.





sa may left wing naman, ay nandon yung mga rebolto at archaic interiors





namasdan kung maraming dividers na parang kwarto dito sa bandang ito.
gusto ko tong "agony in the garden" reproduction and the big cross





isa sa mga tagong lugar ay itong prayer room.
kung saan dapat yumoko sa pagpasok.





naabotan ko na merong tao sa loob. nadama kung napaka peaceful at sacred ng place.
aaminin kung matagal tagal na rin akong hindi nakapag dasal ng taimtim





ang ganda sana mag.kape dito at manigarilyo..
tapos meron kang sylvia plath o anne sexton na binabasa




ewan ko kung bakit, pero nahihimaling yung damdamin ko sa balon na ito





sa tagal kung pagtingin sa balon at napatulala,
meron akong nadinig na batang kumakanta
ng may bukas pa..



naku, santino...
ikaw ba yan?
wait.. don't go away please..



ay hindi pala..
sorry



hmmm.. parang familiar to ah.
hindi ako makapaniwala na yung movie na pinanuod namin na russ
na: Jay (film)
isa to sa mga background saan nag papicture sila jay at edward..



hay naku... kulang nalang dito ay si edward
(buntong hininga)

No comments:

Follow this blog with bloglovin

Follow my_hotmug

Bjork! Bjork! Bjork!

2

As Time Goes By

Trekkers